Grupo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese nagpaabot na rin ng tulong sa mga mangingisdang binangga ng Chinese vessel

By Erwin Aguilon June 28, 2019 - 02:34 PM

CTTO

Patuloy ang pagdagsa ng tulong sa mga mangingisda na sakay ng isang bangka na binangga ng isang Chinese vessel sa Recto Bank.

Sa isang press conference sa Quezon City, inihayag ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. o FFCCCII ang pagbibigay ng livelihood assistance sa 22 mangingisda.

Ayon kay Dr. Henry Lim Bon Liong, pangulo ng FFCCCII, bibigyan nila ng P250,000 ang 22 mangingisda.

Mayroon ding 50 sakong bigas ang kanilang ibibigay para sa pamilya ng mga mangingisda.

Bukod dito, magbibigay din ang grupo ng P1.2M para sa rehabilitasyon ng nawasak na bangkang pangisda.

Nagpasalamat naman ang may-ari ng bangka na si Felix dela Torre sa grupo sa pagtulong sa pagpapagawa ng bangka.

Dahil anya ito ay mapapadali ang paggawa ng nawasak niyang bangka.

Sinabi naman ng kapitan ng bangka na si Junel Ensigne na lubos ang kanilang pasasalamat sa tulong na ibinigay sa kanila.

Lubha anyang nakaapekto sa kanilang kabuhayan ang nangyaring insidente.

Malaki anyang tulong para sa kanilang pamilya ang tulong dahil tinatayang apat na buwan pa ang aabutin bago magawa ang kanilang bangka.

Magpapatayo rin ang grupo ng limang school buildings sa San Jose, Occidental Mindoro.

TAGS: Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry o FFCCI, Grupo ng mga negosyanteng Filipino Chinese, livelihood assistance sa 22 mangingisda, Recto Bank incident, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry o FFCCI, Grupo ng mga negosyanteng Filipino Chinese, livelihood assistance sa 22 mangingisda, Recto Bank incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.