Win-win solution kailangan para matapos ang sigalot sa West Philippine Sea – Rep. Garbin
Tiwala si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na win-win solution ang kailangan para matuldukan ang usapin sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Reaksyon ito ni Garbin matapos igiit ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na unconstitutional ang pagpapahintulot sa mga Chinese na mangisda sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Ayon kay Garbin, bagama’t suportado niya ang pahayag ni Carpio na para lamang sa mga Pilipino ang marine resources, dapat aniyang kilalanin ang verbal agreement ng government officials sa China at Vietnam hinggil sa pagpayag na dumaan ang kanilang mga barko at fishing vessels sa EEZ.
Gayunman, mahalaga aniyang tukuyin ang parameters at protocols sa pamamagitan ng bilateral o multi-party written agreements upang mas maging malinaw kung ano ang mga ipinagbabawal na aksyon.
Dagdag pa ng kongresista, para mapahupa ang tensyon ay maaaring magkaroon na lamang ng common fishing grounds sa labas ng EEZ ngunit papayagan naman ang foreign fishing vessels na dumaan.
Sa huli, binigyang-diin nito na ang sigalot sa WPS ay hindi usaping pangmilitar kundi isang civilian law enforcement kaya hindi na kailangang manggipit o gumawa ng karahasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.