Transition team ni incoming Manila Mayor Isko Moreno, inisnab ng kampo ni Erap
Walang isinalin na dokumento ang outgoing Estrada administration sa transition team ni Mayor-Elect Isko Moreno Domagoso.
Araw ng biyernes ng Hunyo 28 ang huling araw ng pamumuno ni Erap sa Maynila.
Nabatid na unang naka-iskedyul ang turn-over ng mga dokumento alas 10:30 ng Biyernes ng umaga, pero walang transition team ni Estrada ang dumating.
Sabi ni Incoming City Administrator Felix Espiritu, dapat pormal na isinalin ng kampo ni Estrada ang mga dokumento.
Aniya, magiging problema kasi kung sino ang magiging accountable sa mga properties ng City kung hindi ito ipagkakaloob sa kanila ng pormal.
Gayunman, sinabi ni incoming Chief of Staff Cesar Chavez na handa ang Domagoso administration na hanapin ang mga dokumentong sa bawat departamento. Inupakan pa nito si Erap sa pagsasabing sa simula pa lamang ng pamumuno ni Estrada ay “incompetent” na ang mga tauhan nito.
Ito ay sa kabila nang ipinalabas na Memorandum Circular no. 2019-39 ng Department of the Interior and Local Government na nag-aatasa sa lahat ng provincial governors, city at municipal mayors na bumuo ng kani-kanilang local governance transition teams.
Minamanduhan sa naturang kautusan ang transition teams na kumalap, itago at ingatan ang lahat ng official documents, transactions at records para sa tamang turnover kung kinakailangan.
Ang hindi pagsunod sa mga probisyon ng Memorandum Circular ay may pananagutan sa batas ayon kay Leah Peralta, officer in charge ng DILG Manila.
Sabi ni Peralta, ipararating nila sa main office of the DILG na walang nangyaring turnover sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.