Taping ng teleseryeng “Rosang Agimat” ipinatigil na

CTTO

Tuluyan nang pina-tigil ang taping ng teleseryeng “Rosang Agimat” ng GMA 7.

Ito ang napag-pasyahan matapos ang meeting ng mga artista at production staff para sa nasabing serye kung saan na-aksidente ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Nag-te-taping si Garcia nang mangyari ang aksidente na kinalaunan ay nauwi sa pagkamatay ng beteranong aktor.

Malungkot ang lahat ng cast ng nasabing palabas pero tinanggap naman ito ng lahat at nirerespeto ang desisyon ng TV network.

Ang Rosang Agimat ay tatampukan sana ng bagong love-team na sina Jeric Gonzales at Gabbi Garcia sa direksyon ni Toto Natividad.

Bukod kay Manoy, tampok din sana dito ang iba pang beteranong artista gaya nina Celia Rodriguez, Jestoni Alarcon, Victor Neri at Tonton Gutierrez.

Ito sana ang itatapat ng Kapuso Network sa nanatiling top rated na “Ang Probinsyano.”

Read more...