Misis aksidenteng nabaril ng asawang pulis, tatlong taong gulang na anak tinamaan din
Patay ang 35 anyos na ginang nang aksidenteng mabaril ng asawang pulis.
Nangyari ang insidente pasado ala-1:00 ng madaling araw ng Biyernes, June 28.
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Marilyn Pagar na isang Customer Service Representative, residente ng Kasipagan St. Tondo.
Maging ang tatlong taong gulang na anak na babae ng biktima ay tinamaan din ng bala.
Wala pang ibinibigay na kabuuang detalye ang Manila Police kung paano aksidenteng nabaril ng suspek ang mga biktima.
Nasa kostudiya na ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Police Corporal John Lester Pagar, 31 anyos na posibleng
maharap sa kaukulang asunto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.