Bantang impeachment sa Pangulo hindi problema ayon sa DOJ

Bukas ang Department of Justice (DOJ) sa sinumang may planong magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, malaya ang sinuman na magsampa ng impeachment complaint laban sa Pangulo.

Gayunman, binigyan diin ni Sec. Guevarra na hindi gaya ng proseso ng pagdinig sa kaso sa ordinaryong korte, ang impeachment ay hindi isang estriktong legal proceedings.

Paliwanag ni Sec. Guevarra, malawak ang saklaw ng proseso ng impeachment mula sa aspetong pampulitika hanggang sa ekonomiya at maraming iba pang konsiderasyon.

Dapat din anyang matukoy muna kung mayroon nga bang nagawang mali ang Pangulo laban sa interest ng nakararaming Pinoy.

Read more...