Ito’y upang agad na makaalis ang mga residente doon dahil sa paggalaw ng lupa at posibleng landslide, matapos ang pananalasa ng bagyong Onyok.
Ayon sa Davao del Norte Provincial Disaster Risk reduction Management Council o PDRRMC, nasa anim na pamilya ang nauna nang nailikas kagabi.
Mas maraming pamilya rin na malapit sa critical ground, na na-indentify ng Phivolcs, ang inilikas at pansamantalang nananatili sa municipal tribal center sa Talaingod.
Ang alerto ng Phivolcs ay mananatili hanggang bukas (December 21).
Tiniyak naman ng PDRRMC sa Davao del Norte na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon sa lugar, habang nakaantabay na rin ang suporta mula sa mga ahensya ng gobyerno.