Barangay tanod patay matapos pagbabarilin sa Negros Oriental

By Mary Rose Cabrales June 28, 2019 - 10:50 AM

Nasawi ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Guihulngan sa lalawigan ng Negros Oriental, Huwebes.

Nakilala ang napatay na biktima na si Lito Itao.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakatambay lamang sa labas ng isang tindahan si Lito Itao nang pagbabarilin ito ng salarin na sakay ng isang motorsiklo.

Ilang metro pa ang natakbo ng biktima bago ito nawalan ng malay.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Nagpapatuloy naman imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang posibleng motibo ng pamamaril at ang pagkakakilanlan ng gunman.

TAGS: Barangay tanod patay, Guihulngan, Negros Oriental, Pamamaril, Barangay tanod patay, Guihulngan, Negros Oriental, Pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.