$300M loan para sa 4Ps inaprubahan ng World Bank
Inaprubahan na ng World Bank ang $300-milyong pautang para gobyerno ng Pilipinas.
Sa isang statement, inihayag ng World Bank na aprubado na ng kanilang board of executive directors ang pagpopondo sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program o conditional cash transfer program para sa 4.2 milyong pamilya.
Ang nasabing pondo ay gagamitin sa loob ng 2 taon na naglalayon ding labanan ang malnutrisyon sa mga kabataang Pilipino.
Saklaw ng pondo ang 9% ng 4Ps budget hanggang sa June 2022.
Sa pagtaya ang taunang pondo para sa programa ay umaabot sa $1.7 bilyong.
Kamakailan lang ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11310 na naglalayong i-institutionalizes ang 4Ps at magkaloob ng mas mataas na subsidies sa mga benepisyaryo ng programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.