Mga estudyante pwede nang mag-apply ng ID para sa libreng sakay sa MRT-3, LRT-2 at PNR

Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTR) ang pagtanggap ng aplikasyon para makakuha ng ID ang mga estudyante para sa libreng sakay sa MRT-3, LRT-2 at PNR.

Para makakuha ng Student Free Ride ID, pwedeng mag-apply online gamit ang link na ito https://tinyurl.com/y66f8nr4.

Maari ding lumapit sa mga Malasakit Help Desk na matatagpuan sa mga istasyon ng MRT-3, LRT-2 at PNR.

Pero ayon sa DOTr simula sa July 1, ipatutupad na ang libreng sakay sa mga estudyante sa piling oras at kahit wala pa silang Student Free Ride ID ay pwede nilang iprisinta pansamantala ang kanilang school ID.

Read more...