Bloc voting ng partylist sa speakership hindi pa tiyak

By Erwin Aguilon June 28, 2019 - 08:55 AM

Nakadipende pa rin sa magiging resulta ng isasagawang pagpupulong ng Party-list Coalition sa ‪July 2‬ kung matutuloy ang naunang plano na bloc voting para sa speakership race sa 18th Congress.

Ito ay matapos pumalag sa paglalagda ni Party-list Coalition president at 1-Pacman Rep. Michael “Mikee” Romero sa manifesto of support kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sinabi ni 1-SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta “very ideal position” para sa coalition ang bloc voting at ito raw ang kanilang pinaka-direksyon na tinatahak.

Sa pamamagitan ng bloc voting ay maipapakita nila ang lakas na mayroon ang Party-list Coalition at para ipabatid din sa speaker-aspirant na mananalo pagsapit ng Hulyo 22 na hindi dapat iniitsapuwera ang kanilang hanay.

Pero ang actual dynamics aniya ay dipende pa rin sa kung ano ang magiging resulta ng kanilang botohan sa susunod na linggo.

Kaya may posibilidad aniya na hindi masunod ang bloc voting para sa iisang speaker-aspirant.

TAGS: 1-Pacman Rep. Michael "Mikee" Romero, 18th congress, house speaker, Manifesto of Support, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Party-List Coalition, 1-Pacman Rep. Michael "Mikee" Romero, 18th congress, house speaker, Manifesto of Support, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Party-List Coalition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.