Tatlong daang kilo ng marijuana, nasamsam ng PNP-CIDG

By Mariel Cruz December 20, 2015 - 11:39 AM

marijuana
Inquirer file photo

Nasamsam ng mga pulis ang halos tatlong daang kilo ng dahon ng marijuana habang nagsasagawa ng operasyon sa North Luzon Expressway o NLEX ngayong umaga ng Linggo.

Ayon kay Chief Supt. Victor Deona, director ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, nasabat ang marijuana sa isang Hi-Ace commuter van kaninang 8:30 ng umaga sa kahabaan ng NLEX Balintawak sa Quezon City.

Dagdag ni Deona, may isang informant na taga Benguet ang nagbigay ng ‘tip’ sa awtoridad kaugnay ng naturang van na may kargang marijuana.

Dahil dito, nagsagawa ng operasyon ang ilang miyembro ng Meycauayan police at Regional Highway Patrol Unit 3 (Central Luzon).

Sinundan ng mga pulis ang naturang van simula La Trinidad, Benguet hanggang NLEX-Balintawak.

Samantala, wala pang ibinibigay na kumpirmasyon ang mga pulis kung naaresto din ang mga sakay ng naturang van matapos masamsam ang kargamento.

TAGS: 300kg of marijuana seize in NLEX, 300kg of marijuana seize in NLEX

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.