Nasawi sa pamamaril ng hindi pa kilalang suspek ang isang lalaki sa Pier 2, Brgy, 20 Tondo, Maynila, Biyernes ng madaling araw.
Ayon kay Kagawad Rufo Gacul, kinilala ang biktima na si Norven Seloso, 22 anyos, residente sa lugar.
Galing lamang sa computer shop si Seloso nang maganap ang krimen.
Nakarinig ng tatlong putok ng baril ang mga residente at dito na tumambad ang nakahandusay na katawan ng biktima.
Napag-alamang dati nakulong dahil sa droga si Seloso noong 2018 at isinailalim sa rehab.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang krimen at inaalam ang pagkakakilanlan ng nasa likod nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.