Duterte idinahilan ang 2016 fishing deal sa pangingisda ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas

By Len Montaño June 28, 2019 - 04:58 AM

Idinahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasunduan nito kay Chinese President Xi Jinping noong 2016 kaya nakakapangisda ang mga Chinese sa karagatang sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon sa Malakanyang, layon ng fishing deal na maiwasan ang armadong komprontasyon sa gitna ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Gayunman, walang detalye ang Palasyo ukol sa sakop at scope ng naturang kasunduan nina Duterte at Xi.

“They asked, ‘Will you allow the Chinese to fish?’ I said, ‘Of course.’ That was what we have been discussing before, that’s why we’re talking. And that’s why we’re allowed to fish again,” pahayag ng Pangulo sa talumpati sa Malakanyang.

Ayon sa Pangulo, isa anyang “mutual agreement” sa pagitan ng China at Pilipinas ang magbigayan sa pangingisda sa nasabing teritoryo.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, ang pagpapatupad ng ban o pagbabawal sa pangingisda ng mga Chinese sa karagatang sakop ng Pilipinas ay magreresulta sa problema.

 

TAGS: ban, Chinese President Xi Jinping, EEZ, fishing deal, kasunduan, Rodrigo Duterte, South China Sea, West Philippine Sea, ban, Chinese President Xi Jinping, EEZ, fishing deal, kasunduan, Rodrigo Duterte, South China Sea, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.