3 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

Balik-kulungan ang isang mag-live-in partner pati na ang kanilang babaeng kasamahan sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Martin de Porres, Quezon City.

Ayon kay QCPD Station 7 Station Drug Enforcement Unit Pol. Capt. Ramon Acquiatan, dati na ring nakulong sa iligal na droga ang mag-live-in partner

Nabilhan ang mga suspek ng P500 sachet ng shabu.

Nadamay naman sa pag-aresto ang isangbabae na ginagawang ‘scorer’ ng dalawang suspek.

Nakuha mula sa tatlong suspek ang 15 sachet ng shabu.

Iginiit ng mag-live-in partner na ginagawa lamang nila ang pagbebenta ng droga upang may ipantustos sa limang anak.

Pinabulaanan naman ng kasamahan nila na siya ay sangkot sa bentahan ng droga.

Sasampahan ang tatlo ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...