DTI: Ilang brands ng kape, gatas, patis tataas
Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas sa presyo ng ilang brands ng kape, gatas at patis.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, simula kalagitnaan pa ng Hulyo ipatutupad ang mga bagong presyo.
Kinakailangan pa kasi anyang mailathala sa pahayagan ang bagong halaga ng nasabing mga bilihin.
Nasa P0.50 hanggang P2 kada lata ang dagdag-presyo sa mga brands ng gatas na Alaska, Alpine, Carnation, Cow Bell, at Liberty.
Tataas naman ng P1 ang kada pakete ng Kopiko Black 3-in-1 na kape.
Habang nasa P0.50 hanggang P0.85 naman ang dagdag-presyo sa kada pakete ng Lorins Patis.
Dahil sa Hulyo pa ipatutupad ang taas-presyo sa ilang mga produkto sinabi ni Castelo na dapat sundin pa rin ng retailers ang suggested retail price (SRP) noong May 4.
Kaugnay ng maya’t mayang dagdag-presyo, iginiit ni Laban Konsyumer President Vic Dimagiba na dapat idinadaan sa public consultation ang paggalaw sa presyo ng mga bilihin.
Pero ayon kay Castelo, isa sa mga naiisip nilang magandang gawin para makatulong sa mga consumer ay ang kada-kwarter o tatlong buwan na lang na pagpapalit ng SRP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.