Nicki Minaj, itinuloy ang concert sa Angola sa kabila ng mga batikos
Itinuloy pa rin ng American rapper at songwriter na si Nicki Minaj ang kanyang performance sa isang concert na konektado umano sa pamilya ng long ruling President ng Angola na si Jose Eduardo dos Santos.
Inaliw at nag-perform si Nicki sa harap ng libu-libong manonood sa isang Christmas concert sa kabila ng mga panawagan mula sa ilang rights group na kanselahin ang kanyang naturang performance.
Inaakusahan si Nicki na ini-endorso nito ang tila ‘authoritarian’ na pamamalakad ni dos Santos sa naturang bansa.
Binatikos din si Nicki sa pagpayag nito na mag-perform para sa umano ay tiwaling presidente ng Angola.
Ayon kay Jeffery Smith ng Robert F. Kennedy Human Rights center, katulad lamang ni Nicki si Mariah Carey na tumatanggap umano ng pera mula sa isang diktador.
Pinangunahan ng isa sa pinakamalaking mobile phone company sa Angola na kilalang pagmamay-ari din ng pamilya dos Santos ang naturang concert.
Samantala, umabot naman sa anim na libong tickets ang nabenta sa concert na ginanap sa 12,000 seater Coqueiros Stadium.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.