James Harden nagpasalamat sa pagmamahal ng Pinoy fans

Bagamat hindi na siya ang kasalukuyang Most Valuable Player, mainit pa rin ang naging pagtanggap ng Filipino fans kay NBA star James Harden ng Houston Rockets.

Sa kanyang pang-apat na beses na pagbisita sa Pilipinas, muling pinasaya ni Harden ang kanyang mga fans.

Bagamat hindi naglaro gaya ng ibang NBA stars na bumibisita sa bansa, nagpakitang gilas pa rin si Harden sa isang promotional tour ng isang apparel giant.

Nakasama ni Harden sina Kobe Paras, Troy Rike, Roosevelt Adams at Jason Credo sa isang exhibition game.

Nagpasalamat si Harden sa suporta at pagmamahal ng kanyang fans.

Payo nito sa mga Pinoy, kailangan magsikap at magpatuloy lamang sa nais na gawain sa kabila ng mga problema.

Dapat anyang tanggalin ang mga negatibong bagay at mag-focus na makamit ang pangarap.

Si Harden, na 2018 NBA MVP at reigning back-to-back Scoring Champion ay isa sa top basketball players sa ngayon.

 

Read more...