Park Bo Gum may aksyon laban sa pagkadawit sa Song-Song breakup

By Len Montaño June 28, 2019 - 03:30 AM

Isinasangkot si Korean actor Park Bo Gum sa paghihiwalay ng mag-asawang sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Ayon sa ulat, sinasabing nagkaroon umano ng relasyon sina Hye Kyo at Bo Gum habang gumagawa sila ng isang drama series.

Dahil dito ay naglabas ng pahayag ang agency ni Bo Gum at nagbabala laban sa nagkakalat ng tsismis ukol sa aktor.

Ayon sa kampo ni Bo Gum, “offensive” ang pagdawit sa aktor sa diborsyo ng dalawa.

Bagamat si Joong Ki ang naghain ng divorce mula kay Hye Kyo, hindi umano tama na makaladkad ang pangalan ni Bo Gum.

Plano ng agency ng aktor na magkaroon ng legal action laban sa nagkakalat ng maling balita ukol kay Bo Gum.

Malapit na magkaibigan sina Bo Gum at Joong Ki at nabalitang umiyak pa ito sa kasal ng dalawa noong 2017.

Kamakailan ay nasa Pilipinas si Bo Gum at nagkaroon ito ng fan meet sa MOA Arena.

 

TAGS: breakup, divorce, fan meet, korean, legal action, offensive, Park Bo Gum, Song Hye Kyo, Song Joong Ki, breakup, divorce, fan meet, korean, legal action, offensive, Park Bo Gum, Song Hye Kyo, Song Joong Ki

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.