Robredo bibisita sa Marawi para mamahagi ng bahay, school classrooms

By Rhommel Balasbas June 28, 2019 - 03:02 AM

Nakatakdang dumating sa Marawi City ngayong araw, June 28, si Vice President Leni Robredo upang pangunahan ang pamamahagi ng classrooms at mga bahay sa mga residente.

Ang pabahay at silid-aralan ay naitayo sa pamamagitan ng anti-poverty program ng bise presidente na Angat Buhay.

Sa advisory na inilabas ng opisina ni Robredo, may two-classroom buildings na matatanggap ang Harat Medina Central Elementary School sa Papandayan Caniogan, Mapandi Elementary School sa Barangay Gadongan at Bae Inomba Blo Bacarat Central Elementary School sa Barangay Dayawan.

Labindalawag bahay naman sa Angat Buhay Village sa Barangay Sagonsongan ang ipamamahagi ni Robredo sa mga benepisyaryo.

Magugunitang nawasak ang lungsod matapos manggulo ang IS inspired Maute Terror Group noong 2017.

 

TAGS: Angat Buhay, bahay, Marawi City, Maute Terror Group, nti-poverty program, silid-aralan, Vice President Leni Robredo, Angat Buhay, bahay, Marawi City, Maute Terror Group, nti-poverty program, silid-aralan, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.