Apat na ang patay sa landslide sa Real, Quezon

realUmakyat na sa apat katao ang nasawi sa landslide sa Brgy Tanauan, Real, Quezon.

Ayon kay Fred Bragas, Public Information Officer ng Office of the Civil Defense-Disaster Risk Reduction Management Council ng Calabarzon region, natagpuan kagabi ng search and rescue team ang bangkay ni Josha Lastimosa, 5 taong gulang.

Natagpuan ang bangkay ni Josha sa kusina ng kanilang bahay matapos matabunan ng lupa.

Una nang natagpuang patay ang ina ni Josha na si Normita, 34 anyos at mga kapatid na sina Joan, 10 at Joylyn, isang taong gulang.

Nakaligtas naman sa landslide sina Virginia Pia, 36, John Mark Lastimosa, 15 at Jerine Lastimosa, 13 anyos.

Nagkaroon ng landslide sa lugar matapos manalasa ang bagyong Nona.

Patuloy ang ginagawang clearing operation sa kalsada ng Real at Famy para madaanan ng mga sasakyan.

Read more...