Duterte: Pilipinas malalapit sa giyera kapag isinali ang US Sa isyu ng South China Sea

By Len Montaño June 28, 2019 - 02:06 AM

Tinutulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi na isali ang Estados Unidos sa isyu ng agawan ng teritoryo dahil sa exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Zea.

Pahayag ito ng Pangulo sa Malakanyang kung saan iginiit nito na pinoprotektahan niya ang interes ng mga Pilipino sa pamamagitan ng hindi pagpasok sa giyera sa China dahil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

“Yung mga scholarly exposition, don’t give me that shit. Hanggang diyan na lang kayo sa libro ninyo. I have to protect the interest of my country the life of the Filipino, 110 million…Bakit tawagin mo ang America? That will all the more bring us to the verge of war,” ani Duterte.

Si Sen. Panfilo Lacson ang unang nagsabi na pwedeng i-invoke ng bansa ang Philippines-US Mutual Defense Treaty. Hindi anya hangad ng bansa ang world war 3 kundi balanse lamang ng kapangyarihan sa West Philippine Sea.

Pero iginiit ng Pangulo na ang nakaraang administrasyon ang nagpa-atras ng barko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal at pinayagan ang China na lumawak ang hawak sa “disputed waters.”

Dagdag ng Pangulo, pag-upo niya sa pwesto, sakop na ng China ang South China Sea at nagbababanta na ito sa ibang umaangkin sa rehiyon.

Matatandaan na ilang beses sinasabi ni Duterte na hindi handa ang bansa na makipag-giyera laban sa China.

 

TAGS: China, EEZ, giyera, Mutual Defense Treaty, Rodrigo Duterte, Sen. Panfilo Lacson, South China Sea, West Philippine Sea, China, EEZ, giyera, Mutual Defense Treaty, Rodrigo Duterte, Sen. Panfilo Lacson, South China Sea, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.