READ: Resignation letter ni Agriculture Sec. Manny Piñol

Nagbitiw sa kanyang pwesto si Agriculture Secretary Manny Piñol para anya sa “best interest” ng ahensya.

Sa kanya liham kay Pangulong Rodrigo Duterte, hiniling ni Piñol na matanggal siya sa kasalukuyang pwesto at muling matalaga sa ahensya na sa tingin ng Pangulo ay magiging epektibo siya kabilang ang Mindanao Development Authority.

Inirekomenda ni Piñol na manggaling sa mga kasalukuyang undersecretaries ang papalit sa kanya.

Kabilang sina Waldo Carpio, kasalukuyang Undersecretary for Special Concerns and Legislative Liaison Officer of the DA; Ariel Cayanan, kasalukuyang Undersecretary for Operations; Fransico Villano kasaluluyang Undersecretary designate.

Read more...