BREAKING: Mag-ina patay sa sunog sa Quezon City

By Len Montaño June 27, 2019 - 11:42 PM

File photo

Nasawi ang isang mag-ina sa sunog sa isang residential area sa Barangay Talipapa, Quezon City Huwebes ng gabi.

Ayon sa Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), patay sa sunog ang mag-ina na may edad 70 anyos at 39 anyos.

Dakong 10:00 nga gabi nang itaas ang unang alarma ng sunog.

Nagdeklara ng fire under control alas 10:15 ng gabi at naging fire out alas 10:28 ng gabi.

Sinabi ng isa sa mga nakatira sa paupahang bahay ng mag-ina, posibleng napabayaang kandila ang dahilan ng sunog.

Naputulan umano ng kuryente ang bahay kaya gumagamit ng kandila ang mga nakatira.

Iniimbestigahan ng BFP ang pahayag ng tenant ukol sa napabayaang kandila gayundin ang halaga ng naabong ari-arian.

 

TAGS: Barangay Talipapa, BFP, kandila, mag-ina, patay sa sunog, quezon city, Quezon City Bureau of Fire Protection, residential area, walang kuryente, Barangay Talipapa, BFP, kandila, mag-ina, patay sa sunog, quezon city, Quezon City Bureau of Fire Protection, residential area, walang kuryente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.