WATCH: Palaboy nangharang ng motorista sa EDSA

By Len Montaño June 28, 2019 - 04:33 AM

Screengrab of Mane Teodoro video

Viral sa social media ang video ng motorista na hinarang at pilit hiningan ng pera ng isang lalaking palaboy sa EDSA sa bahagi ng Mandaluyong City.

Sa Facebook post ni Mane Teodoro, ikinuwento nito na Martes ng hapon habang nasa gitna ng trapik sa EDSA ay humarang sa kanyang sasakyan ang isang lalaki na humihingi ng pera.

May hawak na bato ang palaboy at sumenyas ito na babatuhin ang sasakyan ni Teodoro kung hindi ito magbibigay ng pera.

Magbibigay na sana ng pera ang motorista pero P100 ang hinihingi ng lalaki.

Hindi kita sa dashcam video pero ayon kay Teodoro, noong tumanggi siyang magbigay ng P100 ay ipinasok ng lalaki ang kamay nito sa salamin ng kanyang sasakyan pero inipit niya ito dahil sa takot.

Habang nakaipit anya ang kamay ay pinukpok ng lalaki ng bato ang windshield ng sasakyan ni Teodoro at ginasgasan nito ang sasakyan.

Dahil dito ay pinatakbo ni Teodoro ang kanyang sasakyan at naghanap siya ng mapagsumbungan.

Matapos mag-report, ilang MMDA traffic enforcers ang tinanggkang hulihin ang lalaki pero tumakbo ito.

Ayon sa otoridad, humihitit ng solvent ang palaboy nang kanilang lapitan.

Dahil sa pangyayari ay nagpayo ang MMDA na agad magreport sa kanilang mga tauhan o bumusina ng malakas para makatawag pansin kapag naharap sa parehong sitwasyon.

TAGS: edsa, facebook, humingi pera, lalaki, mmda, motorista, palaboy, post, pulubi, solvent, traffic enforcers, viral video, edsa, facebook, humingi pera, lalaki, mmda, motorista, palaboy, post, pulubi, solvent, traffic enforcers, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.