Duterte sa bantang impeachment complaint: “Kulungin ko sila lahat!”
Ipakukulong ko kayo lahat!
Ito ang naging bwelta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko na nagbabantang maaari siyang ma-impeach dahil sa pagpayag na makapangisda ang China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Hamon ng pangulo, subukan lamang na maghain ng impeachment dahil ikukulong niya ang mga ito at ipadadala sa Beijing.
Giit ng pangulo, hindi niya maaaring ipahamak ang mga sundalo at papuntahin sa West Philippine Sea para makipag-giyera sa China.
“I-impeach ako? Kulungin ko sila lahat! Subukan nyo. Try to take it, do it, I will do it, p*** sabihin ko sa mga sundalo, ipadala ko kayo doon, eh paano ang pamilya nito, put******, tapos maubos,” pahayag ni Duterte.
Una rito, sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na impeachable offense ang ginawa ng pangulo sa pagpayag sa China na makapangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas dahil hindi nito naprotektahan ang soberenya ng Pilipinas.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte:
WATCH: President Duterte on impeachment: I-impeach ako? Kulungin ko sila lahat! @dzIQ990 @inquirerdotnet pic.twitter.com/ih1rhwFyLm
— chonayuINQ (@chonayu1) June 27, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.