Base ito sa abiso ng LTFRB na hanggang Biyernes na lamang, June 28, ang pamimigay ng nasabing cards.
Dagdag pa nito, mas mainam kung ang may-ari o sa nakapangalan sa prangkisa ng sasakyan ang kukuha ng card.
Ngunit kung ibang tao naman ang kukuha ng fuel cards, maaring dalhin ang mga sumusunod:
– Notarized Special Power of Attorney o SPA na maaaring kunin sa website at social media accounts ng LTFRB
– Original at photocopy ng ID ng qualified franchise holder
– Original at photocopy ng ID ng representative
– Original OR/CR
– Original copy ng CPC o proof of franchise
Payo naman ng LTFRB na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na regional office para sa schedule at karagdagang impormasyon tungkol sa pamamahagi ng Pantawid Pasada Program Fuel Cards.