73 pakete ng shabu na nakasilid sa instant noodles, nasasam sa Makati City Jail

By Clarize Austria June 27, 2019 - 07:37 PM

Arestado ang tatlong tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa harap ng Makati City Jail bandang 1:30, Huwebes ng hapon.

Nakuha sa mga suspek na sina Rogelio Pagulayan, Marcelo Gonzales, at Vanesa Claudio ang 73 pakete ng hinihinalang shabu na nakasilid sa loob ng 28 instant noodles.

Nakasilid sa mga beef flavor ng instant noodles ang isang sachet ng shabu habang sa chicken flavor naman ay dalawang maliliit na sachet at sa pork flavor ay limang maninipis na sachet.

Ayon sa pulisya, una nang nahuli si Claudio na gumagawa ng ipinagbabawal na gamot bago ito nahuli.

Hindi pa naman inilalabas ang halaga ng mga nakuhang shabu.

Nasa kustodiya na ng Makati City police ang nga suspek at mahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: instant noodles, Makati City Jail, Marcelo Gonzales, Rogelio Pagulayan, shabu, Vanesa Claudio, instant noodles, Makati City Jail, Marcelo Gonzales, Rogelio Pagulayan, shabu, Vanesa Claudio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.