Pinuna ni Senator Sherwin Gatchalian ang patuloy na pananahimik ng China hinggil sa pagdagsa ng kanilang mga mamamayan sa Pilipinas para mag-trabaho.
Ayon kay Gatchalian, tila walang ginagawang hakbang ang China kaugnay sa mga pangamba na nawawalan ng trabaho ang mga Filipino dahil sa pagdating ng mga Chinese worker sa Pilipinas.
Pinansin na dumami nang dumami ang mga Chinese national nang umunlad ang Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa bansa.
Pagdidiin ng namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs, dapat ay pilitin ang China na tumulong para maresolba na ang isyu.
Inaasahan na magpapatuloy ang pagdagsa ng mga manggagawang Chinese sa bansa dahil sa mga proyekto na popondohan mula sa utang sa China.
MOST READ
LATEST STORIES