Maluluging kita ng LRT-2 sa pagpapatupad ng libreng sakay, posibleng umabot sa P130M
Inaasahang matatapyasan ang kita ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kapag naipatupad na ang proyektong libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator general Reynaldo Berroya, aabot sa P130 milyon ang mawawalang kita sa loob ng isang taon.
Nilinaw naman ng ahensya na hindi nila maaaring utusan ang linya ng LRT-1 na magbigay ng libre-pasahe dahil sisingilin sa ahensya ang mawawalang kita sa naturang linya.
Dagdag ni Transportation Secretary Arthur Tugade, tanging ang pagmamay-ari ng gobyerno ang maaring pamamahagi ng libreng sakay sa publiko.
Inanunsyo ng DOTr na magiging libre na ang pagsakay ng mga estudyante sa mga linya ng tren sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), LRT-2, at Philippine National Railways (PNR).
Libre rin ang terminal fee sa mga pantalan na sakop ng Philippine Ports Authority (PPA) at paliparan na saklaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.