Pangulong Duterte, hindi kailangang mag-impose ng ban sa China sa pangingisda sa EEZ ng Pilipinas

By Chona Yu June 27, 2019 - 07:28 PM

Hindi na kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng ban sa pangingisda sa China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, panghahawakan kasi ng pangulo ang mutual agreement nila ni Chinese President Xi Jinping na hindi mangingisda ang China sa mga lugar sa Pilipinas na magdudulot ng tensyon.

Magkaibigan aniya sina Pangulong Duetrte at Xi.

Dagdag ni Panelo, labag din sa batas ng Pilipinas partikular na ang fisheries code na mangisda ang ibang bansa gaya ng China sa EEZ ng Pilipinas.

Pagtitiyak ni Panelo, papanagutin sa batas ang sinumang lalabag sa batas ng Pilipinas.

Una rito, sinabi ng pangulo na hahayaan lamang niya ang China na makapangisda sa karagatan ng Pilipinas.

TAGS: ban, China, exclusive economic zone, Pilipinas, Rodrigo Duterte, West Philippine Sea, ban, China, exclusive economic zone, Pilipinas, Rodrigo Duterte, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.