Ito ay matapos manatili ang mga naturang basura sa Manila Port ng halos kalahating dekada.
Ayon kay Canadian Ambassador John Holmes, dadaong ang MV Bavaria sa Port of Vancouver sa Canada bandang 1:00, Sabado ng madaling araw, oras sa Pilipinas.
Ang cargo ship na ito ay umalis sa Subic Bay noong May 31 base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isauli ang mga basura sa Canada.
Ang 69 containers na ito ay ang mga naiwan mula sa 103 containers na may bigat na 2,500 tonelada na dinala ng Chronice Plastic Inc. sa Pilipinas noong 2014 at 2015.
Nai-dispose na ng Bureau of Customs (BOC) ang 34 pang containers na sinabing “recyclable plastic scraps.”
Tinitignan naman ng Manila Regional Trial Court ang mga maaring naging paglabag ng naturang kumpanya at brokers na sangkot sa pag-aangkat ng mga basurang ito.