Higit 700 pamilya, inilikas dahil sa sunog sa Mandaue City

By Angellic Jordan June 27, 2019 - 04:35 PM

Hindi bababa sa 700 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sumiklab na sunog sa Mandaue City, Cebu Huwebes ng madaling-araw.

Ayon kay Senior Fire Office 2 Edgar Vergara, nagsimula ang apoy mula sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay ng mag-asawang Mariano at Alma Conchas bandang 1:18 ng madaling-araw.

Apektado ng sunog ang bahagi ng Sitio Basubas, Maharlika at Espina sa Barangay Tipolo.

Posible aniyang naiwang nilulutong pagkain o nakasaksak na charger ng cellphone ang sanhi ng sunog.

Umabot ng dalawang oras bago tuluyang naapula ang apoy.

Wala namang nasawi sa sunog.

Tinatayang aabot sa P1.3 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog.

Ayon kay acting Mandaue City Mayor Carlo Fortuna, itinutulak sa special city council session ang pagdedeklara ng state of calamity sa Tipolo.

 

TAGS: Maharlika, Mandaue City Mayor Carlo Fortuna, P1.3 milyon, Senior Fire Office 2 Edgar Vergara, Sitio Basubas, Maharlika, Mandaue City Mayor Carlo Fortuna, P1.3 milyon, Senior Fire Office 2 Edgar Vergara, Sitio Basubas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.