Patuloy na uulanin ang bahagi ng Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, Huwebes ng hapon (June 27).
Batay sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat.
Dahil dito, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Laguna, Northern Quezon, Rizal, Bataan, Cavite at Batangas.
Sinabi ng weather bureau na maari ring maapektuhan ng sama ng panahon ang mga kalapit na lugar.
Nag-abiso naman ang PAGASA sa publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Office na tutukan ang kondisyon ng panahon.
Anbatayan din anila ang susunod na abiso bandang 5:00 ng hapon
MOST READ
LATEST STORIES