Alokasyong tubig ng MWSS na 36 cms, mananatili hanggang sa susunod na linggo – NWRB
Mananatili sa 36 cubic meters per second (cms) ang alokasyong tubig ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Ito ay dahil sa patuloy na pagsadsad ng antas ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng nararanasang pag-ulan.
Sa isang panayam, sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na mananatili ang alokasyong tubig hanggang sa huling linggo ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo.
Patuloy naman aniyang tututukan ang rainfall development sa Angat Dam.
Matatandaang sinabi ng NWRB na ibabalik sa regular water allocation na 46 cms sa MWSS oras na bumuti ang sitwasyon ng naturang dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.