Lalaki, patay matapos barilin habang natutulog sa Pangasinan

Dead-on-the-spot ang isang lalaki makaraang barilin habang natutulog sa loob ng kaniyang nakaparadang tricycle sa Dagupan City, Pangasinan Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga imbestigador, nasawi ang biktimang si Kenneth Barrozo Parajas, 29-anyos at residente ng Pantal District.

Binaril si Parajas ng hindi pa nakikitang gunman bandang 1:25 ng madaling-araw.

Matapos ang pamamaril, sinabi ng pulisya na agad humarurot ang suspek sakay ng motorsiklo patungo sa bayan ng Mangaldan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng caliber .45 revolver, ilang personal na gamit at pera ng biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. / Angellic Jordan

 

Read more...