6 arestado sa paggawa ng mga pekeng pakete sa sigarilyo sa Valenzuela City

Inaresto ang anim katao kabilang ang limang Chinese national at isang Filipino dahil sa paggawa ng mga pekeng pakete sa sigarilyo.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nahuli sa akto ang mga suspek sa paggawa ng ilegal na aktibidad matapos ang isinagawang inspeksyon sa warehouse sa bahagi ng Valenzuela City.

Ayon sa BOC, nag-ugat ang operasyon batay sa reklamo ng Japan Tobacco International at Philip Morris.

Ilan sa mga nakitang ginagawang pakete ng mga suspek ay brand ng Jackpot at Fortune.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa intellectual property rights at Customs Modernization and Tariff Act. / Angellic Jordan

 

Read more...