Isa pang investment company sa Caraga region sinalakay ng mga otoridad
Ipaghaharap na ngayong araw ng Huwebes ng kaso ang founder at mga opisyal ng Forex Trading dahil sa pagkakasangkot umano sa investments scam.
Ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Caraga ang maghahain ng asunto laban sa Forex trading matapos ang matagumpay na operasyon na isinagawa nila madaling araw ng Huwebes (June 27, 2019).
Kabilang sa mga narekober na ebidensya ng PNP-CIDG sa Forex Trading ay ang mahigit P23 million na nakalagay sa loob ng limang selyadong storage boxes at iba pa sa operasyon sa kalagitnaan ng payout ng Forex Trading sa kanilang mga investors.
Nagpulasan ang mga opisyal at mga miyembro ng Forex Trading nang maabutan sila ng raiding team pasado alas 7:00 gabi ng miyerkules sa isang beach resort sa District 2, Brgy. Cubi-Cubi, sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte.
Maliban sa limang mga selyadong storage boxes, narekober din ng mga otoridad ang mga ledgers at log books kung saan nakasulat ang pangalan ng kanilang mga investors.
Ang crackdown sa iba pang mga pyramiding scams sa Mindanao ay kasabay din sa naunang pagpapasara sa kontrobersyal na KAPA o Kabus Padatoon ni Pastor Joel Apolinario.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.