Partylist Coalition nanindigang hindi nagkawatak-watak sa paglagda ng Rep. Romero ng suporta kay Rep. Velasco sa speakership bid

By Erwin Aguilon June 27, 2019 - 01:16 PM

Nananatiling buo ang suporta ng mga miyembro ng Party-list Coalition sa kanilang presidente na si 1-Pacman Party-list Rep. Michael “Mikee” Romero.

Ayon kay 1-SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, hindi totoo ang balitang nagkakawatak-watak na sila sa coalition.

Ito ay matapos na lumagda si Romero sa isang manifesto of support sa pagnanais ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na maging Speaker ng Kamara sa 18th Congress kahit hindi nakonsulta ukol dito ang ilang miyembro ng Party-list Coalition.

Pero iginiit ni Marcoleta na hindi naman nagbago ang kanilang pagturing kay Romero at nananatili pa rin daw ang kanilang suporta para sa kanilang presidente.

Sa emergency meeting ng koalisyon kagabi humingi ng paumanhin si Romero sa mga miyembro ng Party-list Coalition na pumalag sa paglagda nito sa naturang manifesto.

Samantala, muling magpupulong naman sa Hulyo 2 ang Party-list Coalition upang mapagpilian na kung sino ang kanilang susuportahan sa speakership race.

TAGS: Manifesto of Support, Party-List Coalition, Manifesto of Support, Party-List Coalition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.