Bagong BJMP chief itinalaga ni Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief supt Allan Iral bilang pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment ni Iral noong June 25, 2019.

Papalitan ni Iral si Deogracias Tapayan na una nang nagretiro sa pwesto.

Samantala, nilagdaan na rin ni Pangulong Duterte noong June 25 ang appointment paper ni Ricardo Morales bilang member, representing the indirect contributors, board of directors ng Philippine Health Insurance Corporation.

Pinalawig pa ng pangulo ang appointment kay Amable Aguiloz bilang Special envoy of the president to the gulf cooperation council.

Tatagal ang termino ni Aguiloz mula July 2019 hanggang June 2020.

September 2016 nang italaga ng pangulo si Aguiloz sa parehong posisyon.

Itinalaga rin ng pangulo si Lourdines Corpus dela Cruz bilang deputy national statistician ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Read more...