Kauna-unahang private disaster relief center, itatayo na

By Mariel Cruz December 20, 2015 - 08:22 AM

pdrf-coc
Inquirer file photo

Tatlong industrialists na namamahala sa Philippine Disaster Recovery Foundation o PDRF ang magbibigay ng P42 million na galing sa kanilang mga energy business.

Ito ay para sa paglilikha o pagtatag ng kauna-unahang private disaster relief center sa buong mundo.

Ayon kay PDRF President Rene Meily, nangakong magbibigay ng P10 million bawat isa sina Jaime Augusto Zobel de Ayala, Manuel V. Pangilinan, Edgar O. Chua na chairman ng Shell Companies sa Pilipinas para sa paglikha ng Disaster Operations Center o DOC.

Si Zobel ang chairman at CEO ng Ayala Corporation habang si Pangilinan ay ang chairman naman ng PLDT at Metro Pacific groups na namamahala sa Manila Electric Corporation o Meralco.

Ayon pa kay Meily, nangako rin sina Zobel at Pangilinan na magbibigay ng so 2 million bawat isa kada taon sa loob ng tatlong taon para sa matatag na paglilikha ng operasyon ng DOC.

Itatayo ang DOC sa Clark, Pampanga habang magkakaroon naman ng satellite office sa Shell House sa Makati City.

Uunahing itayo ang satellite office sa Shell House sa susunod na taon at inaasahang magbubukas ang DOC sa Pampanga bago matapos ang 2016 o pagpasok ng 2017.

Sakaling maitayo na, trabaho ng DOC ang tumugon sa mga tulong na ipapaabot ng mga private companies sa mga nasalanta ng mga kalamidad na mananalasa sa bansa.

Kapag wala naman kalamidad, ang DOC headquarters ay gagamiting training center at opisina para sa disaster preparedness planning.

TAGS: 1st private disaster relief center, 1st private disaster relief center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.