Yellow alert itinaas sa Luzon Grid

Muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow alert ang Luzon grid, araw ng huwebes, June 27.

Sa advisory ng NGCP, epektibo ang yellow alert mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Ayon sa NGCP ang available capacity ng Luzon grid ay nasa 11,288 MW habang ang peak demand ay nasa 10,824 MW.

Sa kabila nito tiniyak ng tanggapan na hindi magkakaroon ng power outages.

Read more...