Babaeng pulis patay matapos masagasaan ng cement mixer sa Pasig

By Len Montaño, Mary Rose Cabrales June 28, 2019 - 04:35 AM

EPD PIO photo

(UPDATE) Nasawi ang isang babaeng pulis na nagmamaneho ng motorsiklo matapos itong masagasaan ng isang cement mixer sa Pasig City Huwebes ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, tinangkang mag-overtake ng cement mixer sa motorsiklong minamaneho ni Police Corporal Arvi Jennifer Leaño sa kahabaan ng Bagong Ilog Flyover sa itaas ng C5 Road alas 7:00 ng umaga.

Nabatid na nasagi ng mixer ang motorsiklo ni Leaño, dahilan para sumemplang ang biktima at pumailalim at masagasaan ng trak.

EPD PIO photo

Ang biktima, na finance officer ng District Mobile Force Battalion ng Eastern Police District (EPD), ay papunta na sa kanyang trabaho nang ito ay maaksidente.

Samantala, isa pang motorcycle rider na kasunod ni Leaño ang sugatan naman sa aksidete.

Nakakulong na ang driver ng mixer na si Guillermo Paurente Jr., na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Nakikipag-tulungan naman sa imbestigasyon ang Megawide Transit Mixer, ang kumpanya na may-ari ng mixer.

EPD PIO photo

Nakikipag-ugnayan din ang kumpanya sa pamilya ng pulis para sa kaukulang tulong.

 

TAGS: 1 patay, 1 sugatan, 2 motorsiklo, babaeng pulis, C5 Bagong Ilog flyover sa Pasig City, inararo ng mixer truck, nasagi, 1 patay, 1 sugatan, 2 motorsiklo, babaeng pulis, C5 Bagong Ilog flyover sa Pasig City, inararo ng mixer truck, nasagi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.