Bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan, pinasalamatan ng alkalde ang mga naging opisyal niya mula noong siya ay maging alkalde ng San Juan, naging senador, bise presidente at lahat nang naging miyembro ng kanyang gabinete nang maging Pangulo siya ng Bansa sa kabila ng maikling termino.
Higit na pinasasalamatan ni Estrada ang masang Filipino na aniya ay nagtaguyod, sumuporta at nagtiwala sa kanya at nagluklok sa iba’t ibang pwesto sa pamahalaan, sila aniya ang nagsilbi niyang lakas.
Sa Maynila, ipinagmalaki ni Estrada ang iiwang pamana sa mga Manileño gaya ng mga pinaayos at pinatayong hospital, eskuwelahan, pagkakaroon ng peace and order, turismo, infrastructure, livelihood, disaster preparedness, tulong sa mga estudyante at mga nakatatanda, sports and leisure at lalung-lalo na, wala na aniyang utang ang pamahalaang lungsod na may iiwan din siyang pondo.
Nanindigan si Estrada na ginawa niya ang kanyang best upang mapaglingkuran ang sambayanan.
Mananatili aniya ang pagmamahal niya sa Lungsod ng Maynila at hangad niya ang tagumpay ni Incoming Manila Mayor Isko Moreno na magsisimula ng manungkulan sa Lunes, Hulyo uno.