Manila Mayor Joseph Estrada, nagpaalam na sa mga Manileño

By Ricky Brozas June 27, 2019 - 08:55 AM

Labis-labis ang pasasalamat ni Manila Mayor Joseph Estrada sa lahat nang nakatuwang sa anim na taong paglilingkod sa Lungsod ng Maynila at sa loob ng 50-taon niya sa pulitika sa ginanap na Araw mg Pasasalamat.

Bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan, pinasalamatan ng alkalde ang mga naging opisyal niya mula noong siya ay maging alkalde ng San Juan, naging senador, bise presidente at lahat nang naging miyembro ng kanyang gabinete nang maging Pangulo siya ng Bansa sa kabila ng maikling termino.

Higit na pinasasalamatan ni Estrada ang masang Filipino na aniya ay nagtaguyod, sumuporta at nagtiwala sa kanya at nagluklok sa iba’t ibang pwesto sa pamahalaan, sila aniya ang nagsilbi niyang lakas.

Sa Maynila, ipinagmalaki ni Estrada ang iiwang pamana sa mga Manileño gaya ng mga pinaayos at pinatayong hospital, eskuwelahan, pagkakaroon ng peace and order, turismo, infrastructure, livelihood, disaster preparedness, tulong sa mga estudyante at mga nakatatanda, sports and leisure at lalung-lalo na, wala na aniyang utang ang pamahalaang lungsod na may iiwan din siyang pondo.

Nanindigan si Estrada na ginawa niya ang kanyang best upang mapaglingkuran ang sambayanan.

Mananatili aniya ang pagmamahal niya sa Lungsod ng Maynila at hangad niya ang tagumpay ni Incoming Manila Mayor Isko Moreno na magsisimula ng manungkulan sa Lunes, Hulyo uno.

TAGS: Incoming Manila Mayor Isko Moreno, manila mayor joseph estrada, Maynila, Incoming Manila Mayor Isko Moreno, manila mayor joseph estrada, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.