Magkakaroon ng 18 bagong trial court sa buong bansa

By Isa Avendaño-Umali December 20, 2015 - 08:13 AM

supreme-court
Inquirer file photo

Pirmado na ni Pangulong Noynoy Aquino ang limang batas na magtatatag ng karagdagang labingwalong trial court branches sa buong bansa.

Sa ilalim ng Republic Act o RA no. 10711, bubuo ng limang dagdag na branches ng Regional Trial Court o RTC at limang additional branches ng Metropolitan Trial Court sa Pasay City.

Nakasaad naman sa RA no. 10712, magkakaroon ng dagdag na branch ang RTC sa sa Sorsogon City, Sorsogon; habang sa RA no. 10713, may bagong RTC branches sa Paranaque City.

Magkakaroon din ng bagong RTC branch sa Vigan City, Ilocos Sur sa ilalim ng RA no. 10714, samantalang tatlong additional RTC branches sa Bacolod City, Negros Occidental batay sa RA no. 10715.

Ang mga naturang batas, na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong December 9, 2015, ay mag-aamyenda sa Sections 14 at 17 ng Batas Pambansa bilang 129, Judiciary Reorganization Act of 180 at iba pang mga batas, executive orders at rules and regulations.

Ang Korte Suprema naman ang mag-aatas ng respective numbers para sa mga bagong branches.

Ang pondo para sa mga RTC at MTC ay nakapaloob sa taunang General Appropriations Act.

TAGS: new trial courts, new trial courts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.