Lalaki patay sa pamamaril sa Antipolo City

By Ricky Brozas June 27, 2019 - 08:45 AM

Agad na nasawi ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakilalang mga salarin na magka-angkas sa motorsiklo sa Antipolo City.

Nangyari ang insidente miyerkules ng gabi ng Hunyo 26 sa isang drug store sa Barangay San Roque kung saan nasugatan din ang isa pang biktima.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joel Malapo , habang ang nasugatan ay kinilalang si Johnrel Elpanag.

Nabatid pa sa imbestigasyon na nakatayo lamang si Malapo sa labas ng drug store nang dumating ang mga nakamotor na lalaki at pinagbabaril, tinamaan din ng bala ang katabi nitong si Elpanag.

TAGS: Antipolo City, Pamamaril, patay, Antipolo City, Pamamaril, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.