Bagyong Dodong nakalabas na ng bansa, LPA na binabantayan ng PAGASA nasa labas pa rin ng PAR

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Dodong at patuloy na lumalayo sa bansa.

Ayon kay Weather Specialist Gener Quitlong, ang lokasyon ng bagyong Dodong kaninang alas-3 ng umaga ay nasa layong 1,165 kilometers Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Ang tropical Depression Dodong ay patuloy na kumikilos palayo ng atin bansa na may lakas ng hangin na 45 kilometers per hour at may bugsong 60 kilometers per hour at patuloy na kumikilos North Northeast na may bilis na 35 kilometers per hour.

Tinutumbok ng Bagyong Dodong ang Southern Japan na inaasahang maglalandfall doon mamayang gabi o bukas ng umaga.

Samantala, ang Low Pressure Area (LPA) naman na binabantayan ng PAGASA ay nasa labas pa rin ng PAR at kaninang alas-3 ng umaga ay nasa layong 1,295 kilometers sa Silangan bahagi ng Mindanao.

Base sa mga nakuhang datos ngayong araw, hindi inaasahang magiging bagyo ang LPA ngunit inaasahang papasok ito sa PAR bukas Biyernes o sa Sabado at dahil ito ay nasa dagat, inaasahan pa rin itong magiging bagyo sa mga susunod na araw.

Read more...