Bangkay ng lalaki nadiskubre sa gitna ng buy bust sa bahay sa Cavite

By Len Montaño June 27, 2019 - 05:07 AM

Contributed photo

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na nakabaon sa lupa sa isang ginagawang bahay sa Road 3, Barangay San Nicolas Tres, Bacoor, Cavite Huwebes ng umaga.

Tinabunan ng semento at pinatungan ng lababo ang hukay na ayon sa otoridad ay tinatayang aabot na sa dalawang buwan na ang itinatagal.

Nahukay ang bangkay sa gitna ng buy bust operation sa bahay na ginagawa umanong drug den.

Arestado ang walong suspek sa operasyon pero iginiit ng lider ng grupo na si Jimmy Ecleo na hindi siya ang pumatay sa biktima.

Ang iba pang nahuling suspek ay nakilalang sina John Gerald Sazar, Jhune Alexies Anthony, Albert Almojuela, Michael Angelo Ranay, Randy Abulencia, Alberto Diche at Arsenio Amante.

Nakumpiska sa mga ito ang 18 piraso ng shabu na tumitimbang ng 20.4 grams at nagkakahalaga ng P138,720.

Nakumpiska rin ang buy bust money, isang 9 mm pistol, isang cal .38 revolver at isa pang .38 revolver.

Ayon sa rebelasyon ng isang suspek, ang lalaki ay pinatay ni Ecleo dahil asset umano ito ng pulisya.

Nabatid na Holy Week pa may impormasyon ukol sa naturang patay pero hindi mapasok ang lugar dahil maraming spotter ang suspek at kagabi lamang nakatiyempo ang mga pulis.

 

TAGS: 8 arestado, Bacoor, bangkay, buy bust, cavite, drug den, nakabaon sa lupa, 8 arestado, Bacoor, bangkay, buy bust, cavite, drug den, nakabaon sa lupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.