Opisyal ng PNP-HPG sa Camp Crame arestado sa pangongotong

By Rhommel Balasbas June 27, 2019 - 04:43 AM

FB photo

Timbog sa loob mismo ng Camp Crame ang isang opisyal ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) dahil sa pangongotong, Miyerkules ng gabi.

Nagsagawa ng entrapment operation ang PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) laban kay PNP-HPG operations Management Division deputy chief Police Major Raul Salle.

Sangkot ang opisyal sa robbery extortion.

Ayon sa isang complainant, humingi siya ng tulong kay Salle noong 2018 para imbestigahan ang pagkawala ng kanyang SUV.

Pero nanghingi umano ito ng P140,000 para maumpisahan ang imbestigasyon.

Gayunman, walang pera ang biktima at sinabihan anya siya ni Salle na umutang muna ng pera sa isa pang tauhan ng HPG.

Nagkasa ng operasyon laban kay Salle kagabi at tinanggap nito ang P400,000 na marked money at agad na inaresto.

Nasa kustodiya na ng PNP-IMEG si Salle at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban dito.

 

TAGS: Camp Crame, marked money, nawalang SUV, opisyal, pangongotong, pnp-hpg, Police Major Raul Salle, robbery extortion, Camp Crame, marked money, nawalang SUV, opisyal, pangongotong, pnp-hpg, Police Major Raul Salle, robbery extortion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.